-- Advertisements --

Pinaghahanda ng Department of Finance (DOF) ang susunod na administrasyon hinggil sa mga dapat na punan nito pagdating sa ekonomiya ng bansa.

Kinakailangan kasi na mapalago ang ekonomiya Pilipinas nang higit sa anim na porsyento taun-taon sa susunod na lima hanggang anima na taon na tiyak namang magiging malaking hamon para sa susunod sa administrasyon.

Ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez III, ito ay upang mabawasan ang pagkakautang ng bansa na natamo noong panahon ng pandemya dahil sa pagbaba ng national revenue nang dahil sa mga lockdown at pagtaas ng mga gastusin.

Humiram kasi ng P1.3 million ang Pilipinas at nakatanggap ito ng grants na nagkakahalaga naman sa P2.7 billion upang pondohan ang pandemic response ng bansa, kabilang na ang mga bakunang laban sa COVID-19 na tinatayang aabutin naman ng 40 taon bago ito mabayaran ng pamahalaan.

Sa datos ay pumalo na rin kasi sa P12.09 billion ang naitalang outstanding debt ng Pilipinas sa pagtatapos ng buwan ng Pebrero.

Sinabi ni Dominguez na upang masolusyunan ito ay kinakialangan na magsagawa ng mga bagong polisiya ng susunod na administrasyon na mananatili sa isang mahigpit na fiscal discipline.

Samantala, naniniwala naman si UnionBank of the Philippines, Inc. Chief Economist Ruben Carlo Asuncion na posibleng makamit ng Pilipinas ang mahigit 6% na GDP expansion sa mga susunod na taon dahil karaniwan daw ito bago pa man tumama ang pandemya sa bansa.

Pinabulaanan naman ito ni ING Bank N.V. Manila Senior Economist na na si Nicholas Antonio Mapa, sa kadahilanang lubha aniyang napinsala ng pandemya ang ekonomiya nito at sinabing nasa humigit-kumulang 5% lamang ang magiging growth rate hanggang 2024.

Magugunita na noong Marso ay pumalo sa 4% ang inflation rate sa Pilipinas na tumugma naman sa upper end na 2-4% na target ng Bangko Sentral ng Pilipinas.