Aabot sa mahigit anim na libong mga pasahero ang naserbisyuhan ng Libreng Sakay na ibinigay ng iba’t-ibang ahensya at lokal na pamahalaan sa buong Metro Manila.
Batay sa transport strike monitoring ng National Capital Region Police Office, mula kaninang alas-6:00 kaninang umaga ay pumalo na sa 6,829 ang kabuuang bilang ng mga pasaherong nakinabang sa Libreng Sakay na mga LGU at ilang ahensya ng gobyerno mula sa unang araw ng tigil pasada ng ilang transport group sa rehiyon.
Layon nito na alalayan ang mga commuters na mai-stranded nang dahil sa epekto ng transport strike ilang grupo ng mga tsuper at operator ng jeepney.
Sa datos, aabot sa 43 ang bilang ng mga naapektuhang kalsada ng transport strike habang sa rehiyon, habang aabot naman sa 646 ang kabuuang bilang ng mobility assets idineploy ng pamahalaan para sa pagbibigay ng Libreng Sakay sa NCR.
Kabilang dito ang nasa 504 Libreng Sakay na bigay ng iba’t-ibang LGU, habang nasa 140 naman ang idineploy ng PNP, at 2 naman ang mula sa mga force multipliers tulad ng AFP, BFP, at PCG.