-- Advertisements --

Tinatayang aabot na sa mahigit 6,000 na mga magsasaka na ang apektado ng naranasang pagbaha at pagguho ng lupa sa Davao region ayon sa Department of Agriculture-Davao (DA-11)

Batay sa pinakahuling datos ng kagawaran, sa ngayon ay nasa 6,300 na mga magsasaka ang naaapektuhan ng naturang sama ng panahon mula sa mga lalawigan ng Davao de Oro, Davao del Norte, Davao Oriental, at Davao City.

Lumalabas kasi sa naturang datos na sa ngayon ay nasa 8,000 ektarya na ng sakahan ng palay at mais, at maging ng mga high-value crops ang nasira, kung saan umaabot na sa mahigit Php108-million na halaga ang napinsala sa mga rice field pa lamang.

Kaugnay nito ay nakapagtala rin ang ahensya ng malaking pinsala sa agrikultura kung saan tinatayang umabot na sa mahigit P145-million na halaga na ang katumbas ng pinsala.

Samantala, patuloy namang tinitiyak ng pamahalaan na magpapaabot ito ng tulong para sa mga apektadong magsasaka sa lalong madaling panahon.