-- Advertisements --
image 125

Kinumpiska ng Bureau of Customs ang nasa P54million na halaga ng Diesel, matapos nilang maharang ang isang vessel sa katubigang sakop ng Sual, Pangasinan.

Ayon kay BOC Commissioner Bien Rubio, tinatayang nasa 1, 350 kiloliters ng smuggled diesel fuel ang nadiskubre ng mga agents ng Customs Intelligence and Investigation Service, kasama ang Enforcement and Security Service ng Port Operations Division ng BOC, sa naharang na barko.

Ang nasabing barko ay ang MV Veronica-1, na kasalukuyan nang nasa kostudiya ng BOC habang naka-istasyon pansamantala sa POrt of San Fernando.

Ayon sa mga intel agents ng BOC, nakita ang mga ipinuslit na krudo sa 12 compartment ng nasabing barko.

Kinumpiska nila ang mga krudo, matapos hindi pumasa sa Mobile Fuel Analyzer sa likod ng dalawang test na isinagawa dito. Ibig sabihin kasi nito, ayon sa BOC, na smuggled ang krudo, at hindi pumasa sa Customs laws, Rules and Regulations.

Sa ngayon ay patuloy pa rin ang imbestigasyon dito ng mga otoridad, kasama na ang pagtukoy sa kung saan nanggaling ang nasabing kontrabando. Inihahanda na rin ang kasong maaaring ihain sa mga responsable sa nasabing insidente.