Iniulat ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na nasa kabuuang 558 establishimento sa loob ng chololate hills ang walang kaukulang Protected Area Management Board endorsement at Environmental Compliance Certificate.
Sa pagdinig ng Natural Resources Committee hearing sa Kamara kaugnay sa kontrobersiyal na reort na itinato sa chocolate hiils, sinabi ng DENR na inimbentaryo nito ang mga gusali na sa loob ng heritage site.
Noong Mayo 10, nakapagtala ang DENR ng 637 establishments, tanging 6 lang ang mayroong kaukulang dokumento habang 558 naman ang wala.
Subalit paliwanag ni Regional Exec Director Paquito Melicor na ang naturang mga gusali ay itinayo sa mga lupain na legally titled sa kanila.
Kabilang sa establishments ang multi-purpose centers, sari-sari store, farm to market roads at iba pa.