-- Advertisements --

DAVAO CITY – Nananawagan ngayon si Dr. Michelle Schlosser, tagapagsalita ng Davao City Covid-19 Task Force, sa mga senior citizen na magpabakuna na laban sa COVID-19 upang maiwasan ang posibleng pagkakaroon ng mas grabeng epekto kung mahawaan man ng nasabing sakit.

Ang nasabing panawagan ang kasabay sa inilabas na datos ng task force kung saan napag-alamang umabot na sa 54.78% ng kabuoang bilang ng mga namatay dahil sa COVID-19 sa Davao City na hindi bakunado ang kinabibilangan ng mga senior citizens.

Maliban dito, napag-alaman din na mula sa buwan ng Enero hanggang Hunyo nitong taon, umabot na sa 220 ang namatay sa Davao dahil sa virus.

Mula sa nasabing bilang, 71.36% nito o 157 ang hindi bakunado laban sa COVID-19 habang 26.36% o 58 lamang ang vaccinated.

Sa kabilang banda, napag-alaman na sa mga namatay na unvaccinated, 54.78% nito ang kinabibilangan ng mga may edad na 60 anyos pataas habang 19.11% din ang 50 hanggang 59 anyos.

Kinumpirma din ng Department of Health Davao na nasa 61% pa lamang ng target population mula sa priority group A2 o senior citizen ang nabakunahan laban sa COVID-19.