-- Advertisements --
Naging matagumpay ang isinagawang concert ng Kpop mega group na BTS sa Busan.
Ang nasabing concert ay bilang suporta sa South Korea sa kanilang pag-bid na makuha ang hosting ng World Expo.
Isinagawa ang concert apat na buwan matapos na ianunsiyo nila na sila ay magpapahinga.
Aabot sa 52,000 fans ang dumalo sa libreng concert na ginanap sa Busan Asiad Main Stadium nitong gabi ng Sabado.
Ilang araw bago ang concert ay pinuno ng kulay purple o ube ang kapaligaran malapit sa venue na nagpapakita ng suporta sa grupo.
Itinuturing kasi na nagdadala ng bilyon dolyar sa ekonomiya ang nasabing grupo sa South Korea.