-- Advertisements --
Aabot sa 5,000 pamilya na naninirahan malapit sa Pasig River ang nakatakdang ilipat dahil sa rehabilitation project ng ilog.
Sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority Chairman Romando Artes na mayroong 10 metro ng paligid ng ilog Pasig ang kanilang idedevop na parke na may iba’t-ibang pasilidad.
Ilan sa mga ilalagay nila ay ang material recovery facilities, rain harvesting facility at sewerage treatment plants mula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Bukod pa dito ay maglalagay din sila ng mga bike way, walkway at jogging path.
Pagtitiyak naman nito na ang mga maapektuhang pamilya ay mabibigyan ng libreng pabahay.










