-- Advertisements --
Aabot na sa mahigit 5,000 mga kabahayan ang naipautang ng Home Development Mutual Fund o Pag-IBIG Fund para sa mga minimum wage earners at low-income members.
Ayon sa PAG-IBIG, na ang mayroong kabuuang 5,411 na mga socialized homes ang kanilang naipautang o na-finance mula Enero hanggang Abril 2022.
Binuo ito ng 18% ng 29,310 units ang na-financed ng ahensiya sa unang apat na buwan ng taon.
Sinabi naman ni Pag-IBIG chief executive officer Acmad Rizaldy Moti na ang nananitili sa 3 percent rate ang kanilang Affordable Housing Program (AHP) ang rate na ibinigay sa mga low income members mula pa noong 2017 na siya ring pinakamababa sa merkado.