-- Advertisements --
ltfrb

Magbubukas ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng mahigit 4,000 slots para sa aplikasyon ng transport network vehicle service (TNVS) simula ika- 9 ng Enero sa susunod na taon.

Ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board, nahihirapan ang ilang mga pasahero sa pag-book ng masasakyan dahil sa kakulangan ng Transport Network Vehicle Service units na kasalukuyang nasa 7,000.

Sinabi ni LTFRB technical division head Joel Bolano na dapat humingi ng accreditation ang aplikante sa isang transportation network company (TNC).

Papayagan ng naturang ahensya ang mga Transportation Network Company na magkaroon ng 100 aplikasyon para sa prangkisa at hanggang tatlong accredited na sasakyan bawat indibidwal.

Una na rito, ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board, wala umanong deadline para sa nasabing aplikasyon.