Muling nadagdagan ang bilang ng mga naitatalang pasaherong bumabyahe sa bansa isang araw bagong ang Pasko.
Sa datos ng Philippine Coast Guard, umabot na sa 48,636 ang bilang ng mga outbound passengers habang nasa 47,000 naman na mga inbound passengers ang kanilang naitala mula sa 331 vessels at 535 motor bancas sa lahat ng mga pantalan sa buong bansa noong Sabado, Disyembre 24, 2022.
Samantala, kung maaalala, una rito ay inilagay na ng PCG ang lahat ng districts offices, stations, at sub-stations nito sa “heightened alert” bilang bahagi ng paghahanda sa magiging pagdagsa ng mga pasahero ngayong holiday season mula Disyembre 15 hanggang Enero 7, 2023.
Kaugnay nito ay nagpakalat na rin ang kagawaran ng kabuuang 2,504 PCG frontline personnel para magbantay sa lahat ng mga pantalan sa Pilipinas.