Nakapagtala ang Bureau of Immigration (BI) ng mahigit 45,000 arrivals noong Easter sunday kasabay ng pagbabalik bansa ng mga Pilipino matapos ang Holy week.
Sa parehong araw, nakapagtala din ang BI ng mahigit 33,000 departures.
Una ng iniulat ni Immigration Commissioner Norman Tansingco na naging maayos ang operasyon ng bureau sa kabila ng pagdagsa ng mga biyahero sa kasagsagan ng Holy week.
Inasahan na rin ng BI ang pagbuhos ng mga dumarating na pasahero sa pagtatapos ng holiday season.
Nagpapakita aniya ito na ang nagrerekober na ang travel sector.
Magandang senyales din aniya ito at naniniwalang magpapatuloy pa ang pagdami ng mga arrivals sa bansa hanggang sa katapusan ng taon.
Una na ring iniulat ng Manila International Airport Authority (MIAA) na nangangasiwa sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na mahigit 10.8 million pasahero ang arrivals sa pangunahing gateway sa Manila mula Enero hanggang Marso katumbas ng 158% na pagtaas sa bilang ng mga pasahero sa unang quarter ng taon kumpara sa parehong period noong 2022.