Nakapagtala ang Department of Health (DoH) ng 4,008 na karagdagang kaso ng COVID-19.
Habang mayroon namang 6,887 na mga bagong gumaling at 423 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 1.7% (47,690) ang aktibong kaso, 96.7% (2,693,162) na ang gumaling, at 1.55% (43,044) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong October 28, 2021 habang mayroong apat laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).
Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng mga nabanggit na laboratoryo ay halos 0.1% sa lahat ng samples na nai-test at 0.08% sa lahat ng positibong mga indibidwal.
Samantala, may 54 duplicates naman na inalis na sa listahan mula sa total case count.
Sa naturang bilang kasi ay 44 na pala ang natuklasang gumaling.