-- Advertisements --

Nadiskubre ang mahigit 400 war crimes sa kabisera ng Kherson matapos mag-retreat o umatras ang Russian forces.

Ayon kay Ukrainian President Volodymyr Zelensky nag-iwan ang Russian army ng atrocities sa Kherson region kung saan natagpuan ang mga bangkay ng mga sibilyan at mga sundalo.

Ipinangako ni Zelensky na kanilang hahanapin at papanagutin ang bawat murderers nang walang pagdadalawang-isip.

Nagpatupad naman ng magdamag na curfew ang mga awtoridad at ipinagbawal muna ang pagbiyahe papasok at palabas ng Kherson.

Una rito, mula ng sumiklab ang giyera sa Ukraine, nadiskubre ang mass graves sa mga kabisera kabilang na ang Bucha, Izyum at Mariupol.