-- Advertisements --
Ligtas na ang nasa mahigit 400 mga pasahero lulan ng tumagilid na barkong sa Laguindingan, Misamis Oriental.
Batay sa inisyal na ulat, tumagilid pa-kaliwa ang MV Filipinas Cagayan habang naglalayag ito patungong Cebu City mula sa Macabalan Wharf sa Cagayan de Oro City.
Ayon kay PCG-Central Visayas commander Mark Larsen Mariano, lahat 454 na mga pasaherong sakay nito kabilang na ang nasa 23 mga bata at pitong sanggol ay ligtas nang naibalik sa Macabalan Wharf.
Samantala, bukod sa mga nasabing pasahero ay napag-alaman din ng mga otoridad na may lulan din ang barko ng apat na kotse, at pitong motorsiklo.
Sa ngayon ay nagsasagawa na sila ng imbestigasyon ukol dito upang alamin ang sanhi ng pagtagilid ng naturang barko.