-- Advertisements --

Ibinalik na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang 40 na pre-pandemic na ruta ng mga pampasaherong jeep sa National Capital Region.

Sa inilabas na memorandum ng LTFRB, na muli nilang bubuksan ang 42 na ruta ng mga pampasaherong jeep sa Metro Manila na epektibo pa nitong Disyembre 27.

Sinabi ni LTFRB Technical Division Chief Joel Bolano, na malaking tulong ito sa mga mananakay dahil sa nakasanayan na nila bago pa maranasan ang pandemiya.

Kabilang sa mga rota ay kinabibilangan ng San Rafael, Rodriguez, Rizal-Cubao Central Terminal, Novaliches-MRT North EDSA, Pasig-Quiapo, Southmall-Quiapo, Southmall-Lawton, Tandang Sora-TM Kalaw, and Cubao-Marikina.

Ikinatuwa naman ni Pasang Masda president Obet Martin ang nasabing desisyon ng LTFRB para muling makabalik na sa pamamasada ang ilang jeepney drivers.

Kasabay din nito ay inanunsiyo ng LTFRB ang pagbubukas nila ng 4,433 slots para sa mga taxi drivers na nais magrehistro sa transportation network companies (TNC) simula Enero 9, 2023.