Iniulat ng Philippine Coast Guard (PCG) na mahigit 34,000 pasahero ang namonitor sa mga pantalan sa buong bansa nitong umaga ng Miyerkules Santo.
Nasa mahigit 19,000 dito ang mga outbound passenger at 14,000 naman ang inbound passengers.
Nagsagawa naman ng inspeksiyon ang mga tauhan ng PCG sa 218 narko at 56 na motorbancas.
Para mapangasiwaan naman ang pagbuhos ng mga pasahero, inilagay ng PCG ang mga districts, stations at sub stations nito sa hightened alert status hanggang sa Marso 31 ng kasalukuyang taon.
Nitong nakalipas naman na Martes Santo, umaabot sa 17,000 pasahero ang naitala sa mga pantalan.
Sa mga mananakay naman namayroong concerns, katanungan at paglilinaw kaugnaysa travel protocols at regulasyon sa Holy Week, maaaring tumawag lamag sa Coast Guard Public Affairs Service na 0927-560-7729 o magpadala ng mesahe sa kanilang online page.