Nasa mahigit 34,000 katao na ang kumpirmadong patay matapos ang isang linggo mula ng tumama ang malakas na lindol sa Turkey at Syria.
Naging pahirapan naman ang relief efforts sa Syria dahil sa matagal ng civil war doon. Ayon sa White Helmets volunteer organization, ang rescue operations sa mga lugar na kontrolado ng mga rebelde sa northwest Syria ay tinapos na dahil walang na-trap sa mga gumuhong gusali matapos ang 108 oras na paghahanap.
Sa Turkey, patuloy pa rin ang paghahanap sa mga biktima na posibleng buhay pa na natabunan sa kabila pa ng babala ng ilang aid agencies at awtoridad ng maliit na posibilidad na makakahanap pa ng mga survivor.
Nasa 41 katao ang napaulat na nasagip pa mula sa mga gumuhong gusali sa Turkey sa pagitan ng 141 hours at 163 hours matapos tumama ang lindol.