-- Advertisements --

Mayroong 34,553 na pamilya mula Mimaropa at Western Visayas ang apektado ng oil spill sa Oriental Mindoro.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) na mayroong ding 13,654 na mga pangkabuhayan ng mga mangingisda at magsasaka ang naapektuhan ng oil spill.

Tiniyak ng ahensiya na mahigpit ang ginagawang pagtutulungan ng mga iba’t-ibang government agencies para matulungan ang mga apektdong pamilya.

Aminado si Office of the Civil Defense Administrator at NDRRMC Executive Director Ariel Nepomuceno na kada araw ay lumalala ang damyos sa kalikasan, livelihood, turismo at pangkalusugan dulot ng oil spill.