-- Advertisements --
Dumating na sa bansa ang karagdagang 362,700 doses na COVID-19 na binili ng gobyerno sa kumpanyang Pfizer.
Pasado alas-9 p.m. nitong Agosto 25 ng lumapag sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 ang eroplanong pinagsakyan ng mga bakuna.
Ayon sa National Task Force Against COVID-19, bago pa man dumating sa NAIA Terminal 3 ang bakuna ay nauna ng ibinaba ang nasa 50,310 doses sa Cebu pasado ala-sais ng gabi.
Agad na dinala sa storage facilitiy sa Marikina City ang nasabing mga bakuna.