-- Advertisements --
image 302

Nakalaya na ang nasa mahigit 300 persons deprived of liberty (PDLs) ngayong araw mula sa mga piitan at penal farms sa bansa ayon sa kumpirmasyon ng Bureau of Correctrions (BuCor).

Sa data ng ahensiya, naa 128 dito ang nagawaran ng parole habang nasa 165 naman ay naisilbi na ang kanilang sentensiya na may good conduct and time allowance (GCTA).

Nasa 35 din na naisilbi na ang kanilang sentensiya ng may good conduct and time allowance ay napalaya na sa bisa ng Department Order No. 953 kung saan nakasaad dito na ang pinalayang PDLs na nasentensiyahan ng habambuhay na pagkakakulong o high risk inmates ay dapat na ipatupad lamang kaakibat ng approval mula sa kalihim ng Department of Justice (DOJ).

Inihayag din ng BuCor na may isang PDLs ang naabswelto sa kaniyang kaso.

Sa mga pinalayang inmate, nasa 154 dito ay mula sa New Bilibid Prison, 31 mula sa Davao Prison and Penal Farm at 33 mula sa Correctional Institute for Women.

Una ng ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa DOJ ang patuloy na pagpapalaya sa mga inmate na kwalipikadong magawaran ng parole.