CAUAYAN CITY- Labing isang barangay ng lungsod ng Ilagan ang panibagong idineklarang drug cleared barangay
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni PLt. Perla Pagulayan, Chief ng Police Community Relations ng Ilagan City Police Station na ang labing isang barangay na idineklarang drug cleared ay kinabibilangan ng Aggasian, Arusip, Bangag, Batong Labang, Bigao, Cabannungan First, Cabisera dos, Cabisera tres, Cabisera katorse-disi-sais, Centro San Antonio at San Felipe.
Inihayag ni PLt. Pagulayan na 50 barangay ng Lunsod ng Ilagan ang apektado ng droga habang 41 ang drug free.
Kabuoang 31 barangay na ang drug cleared habang 19 na barangay ang hindi pa drug cleared.
Ayon kay PLt. Pagulayan na hindi na naidedeklarang drug cleared ang walong barangay na naihain sa PDEA dahil wala pang clearance para maideklarang drug cleared.
Habang ang 11 pang barangay ay hinihintay pa ang pangatlong drug test result ng mga tokhang responders.
Nilinaw pa ni PLt, Pagulayan na magiging drug free ang isang barangay kung makompleto ang mga kinakailangan tulad ng hindi pagkakaroon ng supply droga sa lugar, walang drug transit, walang drug laboratory o bodega ng mga chemical, walang tanim ng marijuana, walang pushers at users sa barangay.