Mahigit 260,000 katao ang napilitang lumikas sa kanilang mga tahanan sa Gaza Strip, habang ang mabibigat na pambobomba ng Israeli ay patuloy na tumatama sa Palestinian enclave.
Ayon sa United Nations, ang matinding labanan ay nag-iwan ng libu-libong nasawi sa magkabilang panig mula nang maglunsad ng pag-atake ang Hamas na nag-udyok sa kampanya ng reprisal bombing ng Israel.
Nagbabala din ang UN na ang bilang na nabanggit ay inaasahang tataas pa dahil sa nagpapatuloy na sigalot ng dalawang panig.
Sinabi nito na humigit-kumulang 3,000 katao ang lumikas dahil sa mga nakaraang pagtaas ng tensyon.
Ayon pa sa Palestinian authorities, ang pambobomba ay ikinawasak ng higit sa 1,000 mga pabahay, at 560 ang labis na napinsala.
Sa ngayon, ang ilang mga residente sa Israel ay nahihirapang lumikas dahil sa pangambang sila ay maaaring madamay mula sa mga pagsabog ng mga bomba ng magkabilang panig.