-- Advertisements --
BuCor1

Pinalaya ng Bureau of Correction (BuCor) ang 267 persons deprived of liberty (PDLs) mula sa iba’t ibang kulungan at penal farm sa bansa.

Lumabas sa datos ng BuCor na 128 sa mga pinakawalan na persons deprived of liberty ay mula sa New Bilibid Prison.

Ang iba pang naman ay 44 mula sa Davao Prison and Penal Farm, 40 mula sa San Ramon Prison and Penal Farm, at 22 mula sa Correctional Institution for Women.

Sa mga pinalaya, 124 din ang naka-parole, 39 ang naabsuwelto, pito ang nabigyan ng probation, ang isa ay nasa cash bond, habang ang natitira ay nasa kanilang maximum sentence.

Ang naturang pagpapalaya ay dinaluhan ni Justice Secretary Jesus Crsipin Remulla, BuCor officer-in-charge Gregorio Catapang, Public Attorney’s chief Persida Acosta, at si Senator Imee Marcos.