-- Advertisements --

Nasa mahigit 25,494 na mga rice farmers ang nakinabang training program ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Sinabi ni TESDA officer-in-charg Deputy Director General Rosanna Urdaneta, na umaasa ito na na ang kanilang Rice Extension Service Program (RESP) ay tutulong sa “food security and sufficiency” ng bansa.

Naging prioridad nila sa nasabing programa ang ang mga nasa agriculture sector.

Tiniyak din nito na patuloy ang kanilang pakikipagtulungan sa mga iba’t-ibang ahensiya ng gobyerno at private sector para sa probsiyon ng skills training at livelihood opportunities ng mga rice farmers.

Aabot na sa 64,421 na magsasaka sa buong bans ang nakapagtapos na ng kanilang training.