
Iniulat ng Bureau of Customs (BOC) na nasa mahigit 24 billion halaga ng smuggled goods ang nasabat sa bansa noong nakalipas na taon.
Mula sa 709 na operasyon ng BOC noong 2022, nasa P11.95 billion ang halaga ng iligal na droga ang nakumpiska, P7.69 billion halaga ng counterfeit items at P1.87 billion halaga ng agricultural goods.
Ang nalalabing P2.77 billion sa nasabat na smuggled goods ay hindi na idinetalye pa ng ahensiya.
Sa ilalim ng Republic Act No. 10845 ang large scale smuggling ng produktong pang-agrikultura gaya ng mga prutas at gulay na tinukoy bilang economic sabotage ay isang seryosong krimen.
Una ng inihayag ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na siyang tumatayong head ng Agriculture department ang ilang ideya para masawata ang laganap na smuggling sa bansa.
Isa na rito ang digitalisasyon ng BOC at pagpapalakas ng local production ng goods sa Pilipinas.










