-- Advertisements --

Umaabot na sa mahigit 22,000 overseas Filipino workers (OFWs) na stranded quarantine facilities ang napauwi na sa mga lalawigan.

Ayon kay Undersecretary Claro Arellano ng Department of Labor and Employment (DOLE), may kabuuang bilang na 22,426 OFWs na ang naihatid sa kanilang mga lalawigan.

Nauna nang nagtakda ng deadline si Pangulong Rodrigo Duterte na tapusin ang paghahatid sa mga ito bago matapos ang linggong ito.

Aniya, ang mga pinauwing manggagawa ay nagnegatibo na sa COVID-19 test bago pinayagang makaalis sa Metro Manila.

Tinatayang nasa P700 million na nagamit ng OWWA para sa repatriation, transportasyon, accommodation at pagkain ng mahigit 30,000 OFWs.