-- Advertisements --
Ipinagmalaki ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na nakapag-cater sila ng kabuuang 22,221,933 international at domestic na pasahero.
Ito ay para sa passenger arrivals at departures mula lamang noong Enero hanggang nitong Hunyo.
Ang nasabing bilang ay nagmamarka ng malaking paglobo na 78% surge sa dami ng mga byahero.
Ayon sa pamunuan ng Manila International Airport Authority, kapansin-pansin ang 42% boost sa paggalaw ng flights kumpara sa parehong panahon noong 2022.
Sinasabing malaking factor dito ang naging pagluluwag na ng byahe sa local at international destinations.
Inaasahang mas lalago pa umano ito dahil sa pinalalakas na kampanya ng gobyerno para sa usapin ng turismo.