-- Advertisements --

Na-expose ang kabuuang 210,020 records ng mga estudyante at magulang sa Online Voucher Application na umaabot sa 153.76 GB.

Ayon kay Cybersecurity researcher Jeremiah Fowler ang naturang platform ay walang password protection, kayat na-access ito ng sinuman na mayroong internet connection.

Saad pa ni Fowler na ang database na naglalaman ng Personal Identifiable Information (PII) ay ang personal data ng aplikante sa programa gaya ng kanilang buong pangalan, learner reference number, petsa ng kapanganakan, kasarian, place of birth, nationality, home address, at iba pa gayundin ang family data ng aplikante.

Nadiskubre ang naturang data leak noong Pebrero 20, 2024 kung saan ipinaalam na ito sa DepEd at National Privacy Commission ng Pilipinas.

Bilang tugon, sinabi ng NPC na na-secure na ang database at kanila ng iniimbestigahan ang insidente.

Samantala, sinabi ng cyersecurity researcher na hindi pa malinaw kung gaano katagal na-expose ang records o kung mayroong nakapag-access sa database. (With reports from Bombo Everly Rico)