-- Advertisements --

Mahigit 20,000 tangkang pag-atake sa website ng Commission on Elections (Comelec) ang napigilan at na-block ng Department of Communications and Technology (DICT).

Ito ang ibinunyag ni Comelec Acting Spokesperson John Rex C. Laudiangco.

Ayon kay Laudiangco, natukoy din ng DICT ang ilang Internet Protocol Address o IP.

Samantala, hindi pa ibinunyag ng DICT sa Comelec kung karamihan sa mga pinanggalingan ng mga pag-atake ay dayuhan o lokal.

Pinuri ng Comelec ang DICT sa kakayahang ipagtanggol ang website ng poll body laban sa naturang cyber-attacks.

Ang DICT ang kasalukuyang host ng opisyal na website ng Comelec, alinsunod sa patakaran ng gobyerno.