
Nagkasundo sa verbal na paraan ang mahigit 20 defense leaders sa rehiyon kabilang ang China para isulong ang rules-based international order.
Ito ay kasabay ng ginanap na Chiefs of Defense Conference sa Nadi, Fiji mula Agosto 14 hanggang 16.
Ayon kay Armed Forces of the Philippines chief Gen. Romeo Brawner, Jr., pumayag ang lahat ng dumalong defense leaders subalit walang resolution o written agreement at tanging verbal agreement lamang sa pagitan ng participants.
Paliwanag pa ng AFP official na kapag sinabing rules-based international order, susundin nila ang agreements katulad ng United Nation Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) at hindi dapat gumamit ng dahas or coercive at mapanganib na taktika para lamang maisulong ang pansariling interes.
Isa nga si Brawner sa 25 defense leaders na dumalo kasa ang opisyal ng NATO sa naturang pagpupulong kung saan ito ang unang pagkakataon na nagpadala ng kinatawan o deputy commander ang China.
Dito, binigyan aniya ng pagkakataon ang Pilipinas para magpresenta kung saan ipinakita nito kung gaano sumusunod ang PH sa international rules-based order. Iprinisenta din aniya nito ang arbitration ruling noong 2016 na nagsasabing illegal ang claim ng China na 9-dash line. Pinakita din nito ang video ng pambobomba ng tubig ng China sa resupply boat ng PH at nagulat ang defense leaders.
Ayon kay Brawner, tumugon si General Xu Qiling, deputy chief of staff sa Joint Staff Department ng Central Military Commission ng China at sinabing sumusunod ang China sa mga international rules sa pinagtatalunang karagatan, at ang 2016 arbitral ruling na pumabor sa Pilipinas ay hindi wasto at hindi katanggap-tanggap sa kanila.
Subalit sagot naman ni Brawner na kung mayroon historical claim ang China sa disputed waters, mayroon ding historical claim ang Pilipinas sa WPS










