-- Advertisements --

Posibleng umabot pa sa mahigit dalawang milyong pasahero ang magtutungo sa iba’t-ibang pantalan sa bansa para umuwi sa kani-kanilang mga probinsiya ngayong Semana Santa.

Ayon kay Philippine Ports Authority (PPA) General Manager Jay Santiago, napaghandaan na nila ang nasabing pagdami ng tao na magtutungo sa kanilang mga pantalan.

Kanilang mga natutugunan na rin ang ilang mga problema gaya kung saan inaalalalayan nila ang mga pasahero.

Ilan sa mga natukoy nitong problema ay ang ticketing system kaya may ilang pasahero na naantala ang kanilang biyahe.