Pinalikas ng mga gobyerno ng Greece ang maraming turista ng Rhodes dahil sa patuloy na pananalasa ng wild fire.
Ito na ang pinakamaraming evacuation sa kasaysayan ng bansang Greece.
Halos isang linggo na ang nagaganap na widlfire sa central at south Rhodes ang kilalang isla na dinarayo ng mga turista.
Nasa 19,000 katao na ang kanilang inilikas dahil sa pangamba ng pagkalat ng sunog.
Mayroong 3,000 sa mga dito ang inilikas sa pamamagitan ng pagsakay sa kanila sa barko.
Ang sunog ay nananalasa sa Kiotari at Lardos na siyang nagiging delikado sa mga residente.
Mula pa noong nakaraang mga linggo ay mayroong walong katao ang itinakbo sa pagamutan dahil sa hirap sa paghinga dahil sa makapal na usok.
Maraming mga flights din patungo sa nasabing isla ang nagkansela.
Nagbunsod ang wild fire dahil sa nararanasang ilang linggong heat wave na inaasahang magtatagal pa ito ng ilang araw.