Pumalo na sa 16,248 katao ang nasawi sa Gaza mula ng sumiklab ang labanan sa pagitan ng Hamas at Israel halos dalawang buwan na ang nakakalipas.
Ayon sa mga opisyal ng Hamas nasa mahigit 7,000 katao at halos 5,000 kababaihan ang nasawi mula ng magsimula ang labanan.
Nagtala rin sila ng 43,616 na katao ang sugatan at 7,600 katao rin ang nawawala.
Sa pagtaya naman ng Palestinian health minister na mayroong 3,200 Palestino sa West Bank ang sugatan at 260 naman ang nasawi.
Napalibutan na ng Israel Defense Forces ang Jabalia refugee camp sa Gaza matapos na makakuha ng impormasyo na ginagamit ito ng Hamas bilang kanilang base.
Tuloy-tuloy din ang kanilang pagsuyod sa northern Gaza para makubkob ang mga kota ng mga Hamas.
Maraming mga residente ng northern Gaza ang pinayuhan ng mga Israel na lumikas na dahil sa patuloy na kaguluhan.
Naniniwala rin ang Israel na nagtatago ang mga Hamas lungsod ng Khan Younis isa sa pinakamalaking lungsod sa southern Gaza kung saan sinabihan na rin nila ang mga residente doon na lumikas na.