-- Advertisements --
image 405

Umabot na sa humigit-kumulang 154,000 ang bilang ng mga indibidwal na napektuhan sa pananalasa ng bagyong Egay at tumitinding Habagat.

Ito ay batay sa datus na hawak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ang mahigit 150,000 na katao ay katumbas ng 38,991 na pamilya mula sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Gitnang Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol Region, Region VI, Region VII, at Region XII.

Sa tala ng Disaster Response Operations Monitoring and Information Center, aabot na sa 921 families ang nasa ibat ibang mga evacuation center na katumbas ng 3,211 na indibidwal.

Aabot rin sa 400 pamilya ang naitalang nakitira sa kanilang mag kamag-anak at kakilala.

Sa kasalukuyan, may mga naitala nang nasirang mga kabahayan mula sa malalakas na hangin at buhos ng ulan na dala ng nasabing bagyo.

Tinataya namang mahigit isang milyon na ang lahaga ng tulong na naipamahagi ng DSWD sa mga apektado ng nasabing bagyo.