Umakyat na sa 158 na mga hog raisers mula sa anim na barangay sa lunsod ng Zamboanga ang apektado ng African Swine Fever (ASF) outbreak.
Base sa datos ng Office of the City Veterinarian (OCVet) ng Zamboanga, nasa 651 na mga baboy na ang namatay dahil sa nasabing sakit habang 430 naman ang na-culled mula sa 1,081 na mga namonitor.
Para sa mga lugar na mayroong pinakamaraming hog mortalities, nangunguna ang barangay Mangusu na mayroong 211, Pasonanca na mayroong 180 hog mortalities, 103 naman sa Vitali, sinusundan ng Curuan na mayroong 92 habang pang-lima naman ang Bunguiao na mayroong 64 na hog mortalities.
Sa ngayon, nagpapatuloy pa rin ang pagsasagawa ng ng”depopulation” at “disease investigation” sa iba’t ibang mga barangay gayundin ang pamamahagi ng food assistance sa mga apektadong pamilya.
Mas hinigpitan din ang border control at quarantine checkpoints sa mga border ng Zamboanga City lalo na’t nananatili pa ring nasa Red Zone category ang lunsod dahil nga sa banta ng ASF.