-- Advertisements --
image 364

Tiniyak ng Metro Manila development Authority ang kahandaan nito sa ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa araw ng Lunes.

Batay sa plano ng MMDA, magdedeploy ito ng hanggang 1,300 traffic constables sa araw ng SONA.

Karamihan sa mga ito ay ipapakalat sa palibot ng Batasang Pambansa, upang mabantayan ang sitwasyon ng trapiko sa mga kalsadang nakapalibot dito.

Nakalatag na rin ang rerouting plan sa araw ng Lunes, kung saan una nang naabisuhan ang mga motorista.

Paliwanag ni MMDA Chair Atty Romando Artes, isasara ang ilang bahagi ng Commonwealth Avenue dahil sa mga isasagawang rally at iba pang programa ng mga aktibista sa araw mismo ng SONA.

Una na rin aniyang inihanda ng MMDA ang contingency plan nito para sa tigil-pasada movement na gagawin ng ilang mga jeepney drivers and operators.

Kasama sa kanilang contingency ay ang pag-aalok ng libreng sakay sa mga commuters na maaapektuhan sa tigil-pasada.

Pagtitiyak ni Artes na All systems go na ang MMDA pagsapit ng Lunes, Hulyo-24.