-- Advertisements --
PNP

Umabot sa kabuuang 11,363 katao ang pumasa sa dalawang police examination na isinagawa ng National Police Commission(NAPOLCOM).

Ito ay ang Entrance Exam para sa mga nagnanais maging bahagi ng PNP, at ang PNP-Promotional Exam.

Batay sa datos ng NAPOLCOM, mula sa kabuuang 27,908 na kumuha ng Entrance Exam, umabot lamang sa 5,641 sa kanila ang pumasa o katumbas ng 20.21%.

Habang sa Promotional Exam, 5,722 ang pumasa mula sa kabuuang 9,951 na aktibong PNP personnel na sumabak sa pagsusulit. Ito ay katumbas ng 57.50%

Sa mga nakapasa sa promotional exam, 60 sa kanila ay para sa PMaj at PCol, 231 ay para sa PLt at PCapt, habang ang natitira ay pawang nasa ilalim na ng Police Non Commissioned Officer.

Isinagawa ang mga naturang pagsusulit noong buwan ng Hunyo sa 30 designated testing center sa buong bansa.