-- Advertisements --
EDCA
Philippine marines take position next to US marines Amphibious Assault Vehicles (AAV) during an amphibious landing exercise at the beach of the Philippine navy training center facing the south China sea in San Antonio town, Zambales province, north of Manila on October 6, 2018. – Japanese troops stormed a South China Sea beach in the Philippines on October 6 in joint military exercises with US and Filipino troops that officials said marked the first time Tokyo’s armoured vehicles rolled on foreign soil after World War II. (Photo by TED ALJIBE / AFP)

Inaasahang nasa mahigit $100 million ang ilalaan sa infrastructure investments para sa bago at existing Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sites sa katapusan ng fiscal year 2023.

Sa joint media briefing kasama ang mga opisyal ng Amerika at Pilipinas, sinabi ni US Secretary of Defense Lloyd Austin III na ang nasabing investments ay lilikha ng mga trabaho at paglago ng ekonomiya ng local communities ng Pilipinas.

Malugod namang tinanggap nina Philippine Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo at Department of National Defense Officer-in-Charge Carlito Galvez Jr. na present din sa media briefing ang naging hakbang ng US para suportahan ang ating bansa sa pamamagitan ng naturang kasunduan.

Subalit iginiit ng DFA chief na nakatakda pang pag-usapan ang lextent ng paggamit ng apat na bagong EDCA sies sa bansa.

Sinabi naman ni Austin na ang planong pagkakaroon ng apat na bagong EDCA sites sa Palawan at Northern Luzon ay maggagarantiya na ang dalawang bansa ay mas handa para sa mga posibleng maranasang krisis sa hinaharap.