Nananatiling suspendido ngayon ang nasa kabuuang 112 mga klase sa mga paaralan sa mga lalawigang apektado ng masamang panahon.
Ito ay sa gitna ng nararanasang malawakang pagbaha sa ilang rehiyon ng bansa na dulot ng pinagsamang epekto ng shearline at trough ng low pressure area na nararanasan ngayon sa naturang mga lugar.
Batay sa pinakahuling inilabas na situation report, mula sa naturang kabuuang bilang ay lumalabas na ang lalawigan ng davao region ang nakapagtala ng pinakamaraming bilang ng mga class suspension na mayroong 46.
Sinundan ito ng soccksargen nakapagtala ng 38 class suspension, habang tig-14 sa northern mindanao at caraga.
Bukod dito ay suspendido rin ang operasyon ng 32 mga opisina sa nasabing rehiyon na kinabibilangan naman ng 11 sa davao region, lima sa caraga, at isa naman sa northern mindanao.
Samantala, sa ngayon ay aabot na rin sa Php60,000 ang halagang naitatala ng mga kinauukulan hinggil sa pinsalang tinamo imprastraktura sa davao region at caraga region.