-- Advertisements --
image 494

Iniulat ni Commission on Elections (Comelec) na umaabot na sa mahigit 100 kandidato sa Barangay at SK elections ang kumpirmadong sangkot sa vote-buying.

Kaugnay nito, sumasailalim na ang mga ito sa verification para makapaghain ang binuong task force kontra bigay ng kaukulang disqualification at election offense.

Iginiit din ng poll body na sususpendihin ang proklamasyon ng mga kandidato na mayroong nakabinbing kaso kaugnay sa maagang pangangampaniya, pagbili ng boto at iligal na pangangampaniya sakaling manalo ang mga ito.

Ayon kay Garcia ang mga kandidato na bumibili ng boto ay mahaharap sa diskwalipikasyon at kulong ng isa hanggang 6 na taon. Habang ang mga magbebenta naman ng boto ay makukulong ng parehong period.

Subalit gagaan naman ang kanilang parusa kung isisiwalat nila ang mga iregularidad kung saan maaaring hindi nila sa parusahan pa o lilitisin at gagawin silang testigo.

Samantala, kinumpirma naman ni Garcia na hindi lehitimong watcher’s training event ang indibiwal na nahuling namamahagi ng envelopes na may lamang pera sa Navotas.

Natukoy na rin aniya ang mga kandidato na nasa likod ng naturang insidente ng vote buying. Nagbigay na rin ng salaysay ang 200 katao na present sa naturang event.