-- Advertisements --

Mahigit isang milyong mga Ukrainian refugees ang nakabalik na sa kanilang bahay.

Sinabi ni Ukraines ambassador to the United Kingdom Vadym Prystaiko na karamihan sa kanila ay hindi nagustuhan ang pagtrato sa kanila ng ibang mga bansa sa Europa.

Ang iba naman ay nais nilang makasama ang kanilang mahal sa buhay.

Nauna rito na sinabi ng mga alkalde ng Kyiv at Kharkhiv na hindi pa ligtas na bumalik sa kanilang lugar dahil sa patuloy ang pagsakop ng Russia.