-- Advertisements --

Umaabot na sa mahigit 1.2 million ang bilang ng bagong mga botante na nagparehistro as of July 14 ayon sa Commission on Elections (Comelec).

Ayon kay Acting Comelec spokesperson Atty. John Rex Laudiangco, nadagdagan ng mahigit 700,000 ang bilang ng mga bagong kabataang botante edad 15 hanggang 17 anyos, mahigit 300,000 naman ang bagong mga botante para sa edad 18 hanggang 30 at 64,368 botante edad 31 pataas.

Maalalang ipinagpatuloy ng poll body ang voter registration noong July 4.

Samantala, nakatanggap din ang Comelec ng 202,707 applications mula sa mga botante para sa pag-transfer ng kanilang registration mula sa ibang mga siyudad at munisipalidad para sa barangay elections at nasa 2,001 naman para sa Sangguniang Kabataan elections.

Ang aplikasyon para sa transfer mula sa parehong lungsod o munispalidad habang nasa 51,677 namanpara sa barangay elections at 497 para sa SK elections.

Samantala, iniulat din ng poll body na mayroong 8,534 voters ang nag-apply para sa reactivation.

Mayroon ding 3,480 voters ang nagsumite ng aplikasyon para sa pag-transfer mula sa overseas voting sa local.

Sa kabuun nasa 1,597,784 applications ang naproseso na ng Comelec base sa data noong July 14.

Patuloy din ang paghimok sa mga hindi pa nakapagrehistro na eligible ng bumoto para sa barangay at Sk elections na magparehistro dahil magtatagal na lamang hanggangJuly 23 ang voter registration.