-- Advertisements --
image 58

Inaasahang magiging fully operational na ang maharlika investment fund sa bansa bago matapos ang taong 2023.

Ito ang inihayag ni Department of finance Secretary Benjamin Diokno kasunod ng pag-apruba dito ng congress na pinagtibay pa ng house of representatives sa bersyon ng senado sa bicameral conference meeting.

Ito ay dahil ang panukala ay nakatakdang itala at ipadala para sa aproval at lagda ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Nakatakda kasing lagdaan ng pangulo ang nasabing bansa bago ang kanyang ikalawang state of the nation address sa hulyo 24, 2023.

Ayon kay diokno, sa oras na maisabatas na ito ay inaasahang agad nilang ihahanda ang mga implementing rules and regulations, kasabay ng kanilang paghahanap ng mga taong mamamahala sa maharlika investment corporation.

Samantala, kaugnay nito ay muling ipinaliwanag ni diokno na ang maharlika investment fund bill ay magbibigay ng kinakailangang pananggalang upang mapanatili ang transparency, accountability, fund integrity, at mas matatag na risk management.

Aniya, naniniwala sila na ang bersyong ito na ginawa ng mga mambabatas ay lilikha ng isang pondo na makakapagpabilis ng investments sa bansa na mayroong high-impact infrastructure and development project.