-- Advertisements --

Naghiwalay na ng landas si dating WBC world featherweight champion Mark Magsayo kay Hall of Fame trainer Freddie Roach.

Nagsimulang magsanay ang 27-anyos na si Magsayo kay Roach noong dumating sa US dalawang taon ang nakakaraan.

Sa ilalim kasi ni Roach ay naging kampeon si Magsayo ng talunin si Gary Russell Jr sa pamamagitan ng majority decision noong Enero.

Hindi naman binanggit ni Magsayo kung sino ang ipapalit nito kay Roach.

Si Magsayo ay mayroong 24 panalo at isang talo na mayroong 16 knockouts bilang professional boxer.

Noong Hulyo ay nabigong ipagtanggol ang kaniyang belt laban kay Rey Vargas.