-- Advertisements --
CAUAYAN CITY – Patay na nang matagpuan ang isang magsasaka matapos na magbigti sa barangay Arabiat, Echague, Isabela.
Ang nagpakamatay ay si Danilo, 30 anyos, magsasaka at residente ng naturang barangay.
Sa inisyal na imbestigasyon ng Echague Police Station lagi umano nitong sinasabi na pagod na siya.
Kagabi nang dumating siya sa kanilang bahay at sinabi na naman umano niya na siya ay pagod na subalit hindi siya pinansin ng kanyang kinakasama.
Halos hatinggabi na nang mapansin ng kanyang kinakasama na wala siya sa kanilang bahay kaya hinanap niya ito at nakita na lamang na nakabitin sa isang puno ng mangga malapit sa kanilang bahay.