-- Advertisements --

GUIHULNGAN CITY, Negros Oriental – Naka-detain na sa Guihulngan Police station ang suspek sa karumal-dumal na krimen na nangyari pasado alas-12:00 kahapon sa Sitio Tan-awan, Barangay MCkinley Guihulngan City, Negros Oriental.

Magsasaka pinugutan Negros

Pinaniniwalaan pa na wala sa matinong pag-iisip ang suspek na kinilalang si Etsil Magdasal.

Ito’y matapos pinugutan ng ulo at pinutol ang kanang binti ng biktimang nagngangalang Crising Hangalay.

Hindi pa nakontento, tinanggal pa ang lamang-loob ng biktima na isang magsasalka.

Ayon sa pamangkin ng biktima na si Anna Marie Tuyogan sa eksklusibong panayam ng Star FM Cebu, galing umano sa pag-aararo ang kanyang tiyuhin nang magkatagpo ang dalawa at humingi pa ang suspek ng dahon ng duhat upang gawing tabako.

Napag-alamang hiniram din nito ang karit na pagmamay-ari ng biktima upang gamiting pangrolyo sa dahon nang bigla nalang itong pinagtataga gamit ang nasabing bagay.

Dagdag nito, wala namang alitan ang dalawa at posibleng natiyempohan lang na nawalan sa matinong pag-iisip ang suspek .

Nabatid na inamin ng suspek ang ginawang krimen kung saan dinala pa raw nito pauwi ang atay ng biktima.