-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang isang magsasaka matapos pagtatagain ng hindi pa nakikilang suspek Sitio Diwagden, Brgy San Jose, San Mariano, Isabela

Ang biktima ay si Carlos Zalun, 53 anyos, balo at residente ng Ibuhan, San Mariano Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PStaff Sgt. Rogelio Ignacio Jr. Investigator ng San Mariano Police Station, sinabi niya na maaaring tatlong araw nang patay ang biktima.

Halos maihiwalay na ang ulo at kaliwang braso ng biktima dahil sa dami ng taga na inabot nito.

Ang biktima ay caretaker ng lupa sa Sitio Diwagden na nabili ng isang nagngangalang Gunding Calinggal na residente ng Brgy. Zone 2, San Mariano sa mga Agta.

Ayon sa pulisya ang kasama sa bukid ng biktima ay umalis noong Sabado para magtungo ng bayan para mamili ng mga kakailanganin nila at nakabalik lamang umaga ng Lunes at dito nakita niya na patay na ang kasama puno ng mga taga sa katawan.