-- Advertisements --
ILOILO CITY – Patay na nang matagpuan sa gilid ng palayan ang isang magsasaka sa Sta. Barbara, Iloilo.
Kinilala ang biktima na si Elmo Susmiran, 47, residente ng Brgy. Tuburan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo sinabi ni Rosalie Susmiran, asawa ng biktima, na pinasundo nito sa kanilang anak ang biktima matapos makipag-inuman sa ilang kaibigan.
Pero duguan, tadtad ng saksak at may gilit sa leeg na si Susmiran nang matagpuan ng kanyang anak.
Para sa asawa ng biktima, posibleng napag-tripan na ang mister at pinagtulungang patayin.
Bukod dito, posible rin umanong dulot ito ng nakaalitan ng kanyang asawa kamakailan dahil sa lupa.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga pulis sa krimen.