-- Advertisements --

Nagtala na ng panalo ang Magnolia Hotshots sa 47th PBA Philippine Cup.

Ito ay matapos ang talunin ang NorthPort Batang Pier 80-77 sa laro na ginanap sa Mall of Asia Arena.

Naging susi sa panalo ng Magnolia si Rome dela Rosa ng maipasok niya ang three-points sa natitirang anim na segundo mula sa pasa ni Jiovani Jalalon.

Ito ang unang panalo ng Hotshots mula ng magbukas ang conference kung saan nagtala sila ng magkasunod na talo.

Sinabi ni Magnolia coach Chito Victolero na naging mahina ang kanilang simula.

Tinanghal na player of the game si Calvin Abueva na nagtala ng 23 points at 12 rebounds habang mayroong 12 points si Paul Lee.